Una sa Balita

40 MILF arestado sa mga baril, pampasabog

0 351

DINAMPOT ang 40 hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa ­pag-iingat ng malalakas na uri ng armas gayundin ng mga ­pampasabog sa Brgy. Tikalaan sa bayan ng Talakag, Bukidnon kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Roel Lami-ing, Provincial ­Director ng Bukidnon PNP, naaresto ang mga suspek na ­pawang mga miyembro ng MILF 118 Bon Vashier Unit sa ilalim ng pamumuno ni Abdulbasser Sulaiman Tahir na kanilang Base Commander.

Alas-3:11 Lunes ng hapon nang nasabat ng ­pulisya ang mga suspek sa ikinasang operasyon sa lugar.

Lulan ang mga ito ng elf truck at nabatid na mga reinforcement sila ng MILF sa Camp Madaya Basak Talakag na sangkot sa pamamaril noong Pebrero 21.

Nasabat sa mga ito ang ilang matataas na ­kalibre ng armas, mga bala at iba’t ibang uri ng mga ­pampasabog.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal ­Posession of Firearms and Ammunitions at RA 9516 ­Ilegal ­Posession of Firearms and Explosives ang mga ­isasampa sa kanila. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More