Una sa Balita

40 manok kinatay ng mga aso

By
0 909

PATAY ang nasa 40 manok na pansabong matapos umatake ang mga aso sa isang farm sa Brgy. Balbuena, Pinili, Ilocos Norte noong Huwebes.

Ang mga texas na manok ay alaga ni Ronnie Abis, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, ayon kay Pinili Police Station (PPS) deputy chief-of-police SPO3 Maria Kristina San Juan, umatake ang mga asong kalye sa farm ni Abis habang walang bantay noong Huwebes.

Sinabi ni San Juan, sa pag-atake ng mga aso, agad na humingi ng tulong si Abis sa awtoridad pero hindi malaman kung may mga nagmamay-ari sa mga aso o asong kalye ang mga ito.

Ayon kay Abis, ilan sa mga texas na namatay ay mga galing pa sa mga ibang bansa at ang ilan dito ay nakatakdang ilaban na derby cock fighting.

Patuloy ang sinasagawang imbestigasyon ng PPS kung sino ang pananagutin sa naturang insidente.