40 EVACUEES PATAY SA MARAWI

By ,

Aabot na sa 40 evacuees mula sa Marawi City ang nasasawi dahil sa patu­loy na giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Maute group.

Ito ang kinumpirma ng gobyerno subalit nilinaw ni Department of Health (DOH) Sec. Pauline Ubial na karamihan sa mga nasawi ay tinatawag na home-based evacuees o mga pansa­mantalang nakitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan, naospital hanggang namatay.

Sinabi pa ng kalihim na ang mga evacuees na nasa accredited evacuation centers ay maganda naman ang sitwasyon dahil naasikaso agad ng mga doktor, nurse, social workers at may probisyon din ng mga kailangang gamot at medical assistance.

Ayon kay Ubial, sa 40 mga nasa­wing home-based evacuees, 20 porsyento nito ay dahil sa ­ko­mplikasyon ng acute gastroenteritis, 15% ay dahil sa pneumonia at 12.5% dito ay dahil sa sepsis. Mayroon din umanong nasawi dahil sa heart-related diseases.

Sa kabuuan ay umak­yat na sa 16,411 mga pasyente ang ina-admit o ginamot sa government health facilities at pribadong ospital nang walang bayad.

SHARE