Una sa Balita

40 entry sa Pasay derby

0 340

SAGUPAAN ng mga Metro Manila cocker at gamefowl breeder ang ikatlong pasabong ng Pasay City Cockpit para sa 2020, ang Ace and Elbie 4-Cock Derby na inaasahang may 40 entry sa Biyernes, Enero. 24.

Naitala sa ikalawang pasabong ng PCC ang 37 kalahok nitong Biyernes kung saan nagkampeon sina Renato Shio/AA (Panda), Rolando Galvez ng Majayjay, Laguna (Neneng B), at Top Jun Matanghari.

Host si PCC matchmaker Goody Ace Lamboloto at Elbie Pasay group sa pagsuporta ng mga Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ipinaalala ni PCC pit manager Gerald Go ang submission ng entries sa Huwebes, January 23 hanggang alas-siyete nang gabi lang.

Bibira rin sa PCC ang opening leg secen-cock derby ng 2020 LGBA Cocker of the Year race sa Pebrero 14, 21 at 28, na ayon kay Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) president Nick Crisostomo, garantisado ang P1M cash prizes sa entry fee na P16,500.

Sa detalye pa, makipag-ayos kina Erica sa 0945 4917474, at Ace sa 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More