Una sa Balita

40 bahay nasunog sa Cebu

0 250

Umaabot sa 40 kabahayan na yari sa kawa­yan ang natupok ng apoy sa Sitio San Roque, Barangay Lahug, Cebu City, Sabado nang madaling-araw.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection-Cebu City, umabot sa 2nd alarm ang sunog na nagsimula bandang alas-tres nang madaling-araw.

Naapula ang sunog bandang alas-3:52 nang madaling-araw habang idineklarang fire out dakong alas-5:33 nang madaling-araw at wala namang naiulat na nasaktan sa naganap na sunog na umaabot sa P100,000 ang natupok ng apoy na malapit sa University of the Phi­lippines Cebu campus na kung saan ay maliliit na bahay ang makikita at pagawaan ng kawa­yan ang nasa lugar.
(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy