Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 utas sa Pakistan bombing

0 58

Nasawi ang apat na katao sa pagsabog sa labas ng isang hotel sa Pakistan kung saan umano nananatili ang isang Chinese ambassador.

Nangyari ang pagsabog ng isang kotse sa parking lot ng Serena Hotel, Miyerkoles ng gabi. Bukod sa mga nasawi, hindi bababa sa 12 ang sugatan, ayon sa ulat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inako naman ng militanteng grupo na kilalang Tehreek e Taliban Pakistan, ang nangyaring pagsabog.

Ayon sa mga ulat, nananatili si China Ambassador to Pakistan Nong Rong sa nasabing hotel pero wala ito sa lugar nang mangyari ang insidente, hindi pa malinaw kung ito ang target ng pagsabog.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.