Una sa Balita

4 US women abante sa Open quarters

0 8

Apat sa walong maglalabu-labo sa quarterfinals sa women’s play ng US Open ay Americans.

Huling bumiyahe si Madison Keys, ngayon lang din nakarating sa quarters sa Flushing Meadows, sa bisa ng 7-6 (2), 1-6, 6-4 panalo kay No. 4 seed Elina Svitolina Lunes ng gabi. Halos maiyak pa si Keys pagkatapos ng panalo.

“I mean, it means the world to me to make the quarterfinals,” bulalas ni Keys, 22. “It was a really rought start to my year. This is just amazing.”

Sa kaagahan ng 2017 ay hindi nakalaro si Keys dahil inoperahan ang kaliwang kamay, nagkaroon pa ng follow-up procedure noong June. Semifinalist si Keys sa Australian Open noong 2015.

Makakasama ni Keys sa last eight ang mga kababayang sina No. 9 Venus Williams, No. 20 CoCo Vandeweghe, at si unseeded Sloane Stephens. Magkakahiwalay sila sa draw, kaya hindi magku-krus ang landas sa quarters at posible pang magkaroon ng apat na Americans sa semifinals.

Noong 2002, lima ang representative ng US sa quarterfinals sa Flushing Meadows kina Lindsay Davenport, magkapatid na Serena at Venus Williams, Jennifer Capriati, at Monica Seles. Si Serena ang nag-uwi ng titulo.

Toka ni Venus si No. 13 Petra Kvitova, si Stephens kay No. 16 Anastasija Sevastova sa Martes. Kinabukasan, haharapin ni Vandeweghe si No. 1 Karolina Pliskova at si Keys kay qualifier Kaia Kanepi.