Una sa Balita

4 tulak sa N. Ecija nalambat

By
0 4

CABANATUAN CITY — Apat na hinihinalang tulak ng droga ang mga nasakote sa magkakasunod na buy bust operations ng pulisya sa magkakaibang lugar sa Nueva Ecija sa gitna ng walang puknat na kampanya kontra sa bawal na gamot.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni PS/Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga naaresto na sina Felix de la Cruz Gonzales, 49, residente ng Purok 7, Bgy. Julo; Eric Palomo Mariñas, 31, ng Bgy. Papaya, kapwa sa bayan ng San Antonio; Dennis Arce Sigua, 32, vendor ng Bgy. Sto. Tomas, Peñaranda at Alberto Aliga Bocobo, 33, ng Bgy. Santiago, bayan ng Aliaga.

Ayon kay PS/Insp. Arnel Aguilar ng San Antonio Police isinailalim sa buy bust sina Gonzales at Mariñas makaraang maituro ng kanilang mga kaanak.