Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 tulak bulagta sa buy bust

0 37

Apat na hinihinalang tulak ng droga ang pawang napatay sa magkasunod na anti-illegal drugs buy-bust operations sa Nueva Ecija noong Lunes ng gabi.

Sa mga ulat na isinumite sa tanggapan ni PBGen. Valeriano de Leon, region 3 police director, nakilala ang napaslang na sina Dominic Estillore Yabut; Jesus Valino Pelmoka, kapwa taga-Cabanatuan City; at John Patrick Lozano at Christian de Jesus, kapwa ng Paniqui,Tarlac.

Alas-6:30 ng gabi nang mailatag ang buy bust kontra kina Yabut at Pelmoka sa Purok 1 Brgy. Dalampang Cabanatuan City.

Natunugan umano ng dalawa na pulis ang mga katransaksiyon at nagtangkang bumunot ng baril subali’t napatay sa enkuwentro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa pulisya nakunan ng isang sachet ng shabu, isang caliber 38 at isang tricycle ang mga napatay na kasama umano sa drug watch list ng Cabanatuan City.

Alas 9:20 ng gabi naman napatay sa engkuwentro sina Lozano at de Jesus sa Sitio Cumabol Brgy. Caanawan, San Jose City.

Sa ulat ni PLt. Col. Crizelda de Guzman, nakarekober sila ng shabu na may street value na P34,000, 2 caliber .38 revolver at motorsiklong walang plaka. (Jojo De Guzman)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.