Una sa Balita

4 todas sa France Christmas market shooting

0 241

PINAGHAHANAP ng sangkaterbang pulis ang isang gunman matapos itong makapatay ng apat katao at makasugat ng 11 pa sa ginawang pamamaril sa siyudad ng Strasbourg sa sila­ngang bahagi ng France.

Ang suspek, na pansamantalang itinago ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan, ay nagawang makatakas sa palitan ng putok ng mga sundalo at pulis noong Martes.

Naganap ang pamamaril sa mataong lugar ng Christmas market malapit sa isang central square, ang Place Kleber, dakong alas-siyete ng gabi noong Martes. Apat ang namatay habang pito naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Sinimulan naman ng counter terrorism ­prosecutor ang imbestigasyon sa nasabing ­insidente pero hindi pa rin malinaw ang motibo ng pamamaril.

Sinalakay ng awtoridad ang bahay ng 29-anyos na suspek pero wala ito doon, pero natagpuan nila ang mga materyales sa paggawa ng bomba.

Hinigpitan na rin ang pagbabantay sa checkpoint sa border sa paniniwalang hindi pa nakakalabas ng siyudad ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy