Una sa Balita

4 timbog sa taas-presyo, walang label na alcohol

0 370

Dinakma ang apat na katao sa lalawigan ng Quezon matapos mabistong nagbebenta umano ng overpriced alcohol.

Nabuking ang apat matapos salakayin ng mga tauhan ng CIDG at mga tauhan ng Quezon PNP ang dalawang tindahan sa Lucena City at sa bayan ng Sariaya nitong Lunes.

Sa Lucena City, naaresto sina Aimeelour Alegra Ilocario at Reynald Napiza Garcia sa entrapment operation makaraang pagbilihan ng mga ito ng mataas na presyong 70% solution ethyl alcohol ang mga operatiba.

Wala ding FDA markings at label ang mga nakumpiskang 23 bote ng tig-isang litro na bote ng alcohol.

Arestado naman sa Sariaya sina Cristy Cantos at Rogelio Cantos dahil din sa pagbebenta ng alcohol sa mataas na presyo.

Kinumpiska rin ng mga awtoridada ng tinda ng mga ito.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa of RA 7394 o Consumer Act at paglabag sa RA 9711 (FDA Act of 2009). (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More