Una sa Balita

4-taong kulong sa employer

By
0 7

Isang presidente ng advertising company ang nahatulan ng pagkakakulong ng apat na taon hanggang dalawampung taon, dahil sa hindi nito pagbabayad ng SSS Contribution ng kanyang mga empleyado.

Ayon kay SSS Assistant Vice President ng Operations Legal Department Renato Jacinto S. Cuisia, kinilala ang presi­dente ng Peña, Larzaga and Wilwayco (PLW), Inc., na si Adriel C. Peña.

Maliban kay Peña, nagsampahan din ng kaso para sa paglabag sa Social Security Act (SS Act), o ang Republic Act No. 1161 na naamiyenda­han ng Republic Act 8282, ang miyembro ng Board of Directors na sina Edwin C. Wilwayco, Nestor A. Largoza, Jesus Rey C. Lalie at Felimon D. Garcia. Subalit, na-dismis ang kaso laban kay Wilwayco habang may inilabas na warrant-of-arrest laban kina Largoza, Lalie, at Garcia na sa kasalukuyan ay pinaghahanap na.

“Ipinag-utos din ng mababang hukuman kay Peña na magbayad ng P2.8M para sa mga hindi nabayarang kontribu­syon kasama na ang penalties para sa mga taong 2001 hanggang 2011.

Naipanalo ng Social Security System (SSS) ang kaso nito laban sa presidente ng isang advertising agency dahil sa paglabag sa kanilang obligasyon na bayaran ang kontribusyon ng mga empleyado nito na nagkakahalaga ng halos P3 milyon, kasama na ang penalties, sa loob ng sampung taon.