Una sa Balita

4 taon hindi nakabayad ng amilyar

0 938

Dear Atty. Claire,

Magandang pagbati attorny claire, at happy new year!!

Sana po mabigyan ny ako ng advice regarding sa amilyar ng bahay ng mother ko.

Since 2014 up to 2018 hindi niya nabayaran ang amilyar ng bahay, pero updated po ang lupa. reason kaya hnd mabayaran ang amilyar bahay dahil masyado po malaki ang babayaran. umabot na po ng 120k with penalty interest..

Nagpadala na din ang assesor’s office na bayaran ang aming­ amil­yar, nakiusap po nanay ko na baka mabawasan kahit konti, dahil mahina na din negosyo ng nanay ko at senior na din sya…pero hindi po pumayag ang assesor’s office.. binigyan po kami ng 2 years na bayaran ang 2014 – 2019 monthly.. Aabot po ng 5600 monthly.. medyo mahirap po sa side namen yung ganoon kalaki..

Ngayon po if mabayaran po namin ang first 3 years muna.. papayag po kaya ang assessor’soffice na mabawasan ng interest at penalty kasi mara­ming beses na po kami nakikipag-usap pero lagi sinasabi ay hindi na mababawasan at bayaran na lang sa 2 years ang utang.. kung ayaw daw po naman maiissuehan ng warrant of levy..

Sana po mabasa nyo po ito.. dahil by next week makikipag-usap po uli kmi sa office.. salamat po . God bless.

Aiza

Ms. Aiza,
Nakakalungkot man ngunit talagang ay karapatan ang lokal na pamahalaan na mani­ngil ng real property tax o amilyar kada taon. Sa sitwasyon ninyo ay 5 taon ang hindi ninyo nabayaran na amilyar at ayon kasi sa batas ay dapat na masingil nila ang tax na ito ng hindi lalagpas ng 5 taon at kung hindi ay mawawalan na sila ng kapangyarihan na singi­lin pa ito. Ang umiiral na batas sa Ngayon ay ang Local Government Code of 1991, Sec. 270, na nagsasaad: SEC. 270. Periods Within Which To Collect Real Proper­ty Taxes. – The basic real property tax and any other tax levied under this Title shall be collected within five (5) years from the date they become due. No action for the collection of the tax, whether administrative or judicial, shall be instituted after the expiration of such period. xxx

Sa pagbibigay ba nila sa ninyo ng 2 taon na pantalon para mabayaran ang 5 taon na amilyar ay may kaakibat o kasamang penalty at interes? Kung ang na-compute nila na babayran ninyo ay para sa 2-year installment ngunit magagawa naman ninyong mabayaran ito ng hindi aabot ng 2 years ay dapat lamang na magkaroon ng re-computation para maiawas ang interest at penalty na kakainin sana kung 2 years ninyo babayaran ito. Ngunit kung 2 taon talaga ninyo mabubuno ang pagbabayad ay talagang may karapatan silang maningil ng pe­nalty at interest. Dahil kung hindi nila gagawin ito ay marami ang mang-aabuso at hindi babayaran ang tax na ito sa oras. Tandaan na ang tax ay ang lifeblood ng gobyerno at dyan nila kinukuha ang pantustos sa mga gastusin ng pamahalaan.

Ngayong 2019 na real property tax ay maaari ninyong bayaran kaagad bago lumagpas ang March 2019 at iyan ay mayroon discount kayong makukuha. Sa ibang lungsod ay may 20% bawas na naibibigay sa mga nagbabayad ng maaga.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/ 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy