Una sa Balita

4 suspek sa rape-slay ng sales lady sa Dagupan, timbog

By
0 1,129

APAT na kalalakihan ang inaresto noong Miyerkoles dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay at paggahasa sa isang sales lady sa isang mall noong Martes ng umaga sa Pantal River, Dagupan City.

Kinilala ni Dagupan City Police Station (DCPS) commander Jandale I. Sulit ang mga suspek na sina Rhadu Ubando Eugenio, alyas ‘Adi’, 36-anyos; Jonathan Español de Vera, alyas ‘Maning’, 29; Alfredo Ubaldo Ubando, alyas ‘Pidong’, 28; at Flor Ubando Moulic Jr. alyas ‘Jay-ar’, 26, lahat mga construction worker, pare-parehong nakatira sa Sitio Guibang, Barangay Pantal, sa nasabing siyudad.

Ang bangkay ng biktima na nakilalang si Reysha Tolosa Vidal, 21-anyos, isang sales lady ng CSI City Mall, Dagupan City, ay nakita na palutang-lutang sa ilog ng dalawang saksi na sina Alberto Panagsagang at Rolando Espanyol ng nasabing barangay.

Ayon sa mga imbestigador, natagpuan ng mga saksi na walang saplot pang-ibaba si Vidal at may mga tama ng matigas na bagay sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bago ang pagkakadiskubre sa katawan ng biktima, isang saksi na kinilalang si ­Rodrigo Tigayan ang nagsabi sa pulis na naaktuhan niya ang apat na suspek na hawak ang biktima dakong alas-12:35 ng madaling-araw noong Martes.

Ayon kay Tigayan, nagtago siya sa isang puno at nakita kung paano umano ginahasa at patayin ang biktima na itinapon nila sa ­Pantal River.

Matapos ang sinumpaang salaysay ni Tigayan, agad na nagsagawa ng police operation ang DCPS at inaresto ang mga suspek sa kanilang ­tinitirhan.

Nakakulong ngayon sa DCPS jail ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanila.