Una sa Balita

4 sundalo todas, 7 sugatan sa karambola ng sasakyan

0 290

Patay ang apat na sundalo habang sugatan ang pitong iba pa matapos ang naganap na karambola ng isang wing van truck, traysikel at sport utility vehicle (SUV) na sinasakyan ng mga biktima kahapon nang umaga sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Apolonia sa bayan ng Paranas, Samar.

Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina SSgt. Crisostomo Gabuay, Sgt. Sherwin Antonio, Sgt. Romel Ombrog at 2nd Lt Sharefe Cabanog.
Sa inisyal na ulat ng Samar Police Provincial Office, naganap ang insidente dakong alas-nuwebe nang umaga.

Isang wing van truck na minamaneho ng suspek na si Elvin Millanes, 44-anyos, na patungo sana ng Catbalogan City ang bumangga sa isang tricycle bago ito mapunta sa kabilang linya at sumalpok sa isang Toyota Hilux kung saan nakasakay ang mga sundalo na patungo sana sa Tacloban City.
Sa lakas ng salpukan ng truck at SUV ay parang piniping lata ang sinasakyan ng mga sundalo.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang nahaharap sa kaso ang driver ng truck. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy