4 sundalo patay sa Yemen chopper crash

By

Patay ang apat na sundalo mula sa United Arab Emirates (UAE) nang bumagsak ang kanilang sinakyang helicopter habang sila’y nasa isang misyon sa Yemen, ayon sa UAE military.

Ang Saudi-led coalition na sumusuporta sa Yemeni government laban sa Shiite ay nagsasagawa ng kanilang misyon nang maganap ang aksidente nitong Biyernes ng gabi, na nagsabi na napilitan ang piloto na magsagawa ng emergency landing na nagresulta ng minor injuries sa crew.

Ang apat na sundalo ay nasawi matapos bumagsak ang kanilang helicopter sa southern province ng Shabwa bunsod ng technical problem.

Nauna rito, isang UAE-trained Yemeni special forces backed ng United States ang naglunsad ng major operation laban sa Al-Qaeda sa Shabwa, na sinuyod ang karamihan sa mga lalawigan. 

SHARE