Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 sugarol shabu pamusta timbog

0 350

Arestado ang apat katao matapos mabisto na shabu ang ipinangpupusta sa pagsusugal ng pusoy sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Servidad, 43; Malvar Mendoza, 49; Ruther Gonzales, 50, at Liza Asaytono, 48.

Inaresto ang mga suspek alas-3:45 Biyernes ng hapon dahil sa impormasyon na natanggap ng pulisya hinggil sa sugalan na nagaganap sa Grabahan, Mercedes Ave., Brgy. San Miguel at shabu umano ang ginagawang pustahan.

Nalambat ang mga suspek at nakumpiska ang isang set ng playing cards, P520 betting money at tig-isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa 0.05 gramo ang timbang na nakuha sa tatlong suspek. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.