Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 seller ng pekeng gold bar arestado

0 168

Arestado ang apat na seller ng pekeng gold bar matapos na lumutang at alukin uli ng bagong bara sa halagang P1.8 milyon ang dati na nilang nabudol na buyer sa Cagayan de Oro City noong Sabado.

Kinasuhan na ng syndicated estafa ang mga suspek na sina Rey Naran­jo, 58-anyos ng Brgy. Indahag, CDO; Junalie Licawan, 57, ng Togoloan, Misamis Oriental; Jerson Liquinan, 28-anyos at Jimwel Homonlay, 33, ng Bukidnon.

Nabatid na humingi ng tulong sa City Mobile Force Company (CMFC) sa Cagayan de Oro ang biktimang si Mitchel Naranja ng bayan ng Opol sa Misamis Oriental nang muli siyang kontakin ng grupo at alukin ng gold bar sa halagang P1.8 milyon.
Aniya, nabudol siya ng mga suspek ng P500,000 nang pagbentahan siya ng mga ito ng pekeng bara ng ginto noong Abril.
Nagkunwari ang biktima na sinunggaban ang alok pero nakipag-ugnayan na ito sa CMFC na nagkasa ng entrapment operation sa Capistrano Complex sa Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City nitong Sabado.

Napag-alaman na mga miyembro ng Ganghaan Landless Association (GALA) ang grupo na nagbebenta ng pekeng gold bar sa CDO, Misamis Oriental at Bukidnon at nagmula naman sa bayan ng Kitaotao at Malaybalay City sa Bukidnon ang kanilang supplier ng pekeng ginto. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.