Una sa Balita

4 sapul sa pamamaril sa Melbourne night club

0 243

PATAY ang isang security guard habang agaw-buhay ang isa pa matapos ang nangyaring pamamaril sa labas ng bisinidad ng sikat na Melbourne nightclub nitong Linggo nang gabi, Abril 14, 2019.

Sa ulat ng mga awtoridad, apat na kalalakihan na kinabibilangan ng tatlong security guard at isang parokyano ang naghihintay na makapasok sa Love Machine Club sa Prahran nitong madaling-araw ng linggo ang basta na lamang pinagbabaril.

Pinaniniwalaang galing ang mga putok sa isang sasakyan sa labas ng nightclub ayon kay Victoria Police Inspector Andrew Stamper.

“This is just a horrendous act. It’s a busy nightclub, one of the main nightclubs in Melbourne in one of the main entertainment precincts in Melbourne.”

Nagawa pang maisugod sa ospital ang 37-anyos na guwardiya pero namatay ito kalaunan.

Ang isa pang 28-anyos na lalaki ay nasa kritikal na kondisyon habang ang dalawa na isang edad 29 at 50 ay nagtamo ng sugat dahil sa pamamaril.

May kaugnayan ang motorcycle gang sa pamamaril ayon sa Melbourne’s Age newspaper.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy