Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 sanggol, 300 pang OFW sa Kuwait balik-Pinas na

0 73

MAHIGIT 300 na distressed overseas Filipino mula sa Kuwait ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs.

Nabatid na 333 kabuaang Pinoy ang dumating sa Pilipinas sakay ng DFA-chartered flight.

Kabilang dito ang apat na sanggol, dalawang medical repatriates, maging mga trabahdor na biktima ng physical at sexual abuse.

Ito na ang ikalimang repatriation flight mula sa Kuwait.

Patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang mga tanggapan nito sa ibayong dagat para magbigay ng tulong sa mga Pinoy.

Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na nakahandang umalalay ang DFA at kung may mga kaanak dito sa Pilipinas na nais ihingi gn tulong ang mga mahal sa buhay abroad ay ipagbigay alam lamang sa kanila. (Kiko Cueto/Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.