Una sa Balita

4 SAF member inambus ng NPA

By
0 2,221

Sugatan ang apat na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon ng umaga sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Chitadel Gaoiran, spokesman ng PNP Regional Office 4A, dakong alas-6:30 ng umaga nang tambangan ang tropa ng SAF sa pangunguna ni Insp. Juddiah Tuan sa tapat ng isang
sementeryo sa Sitio San Josef, Brgy. San Jose.

Bigla na lamang umanong lumabas at pinaulanan ng bala ng mga NPA ang mga nagpapatrulyang mga miyembro ng SAF na sakay ng mobile patrol vehicle hanggang sa mauwi sa mainitang encounter.

Ayon kay Gaoiran, tumagal nang halos apat na oras ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo kung saan nasugatan ang apat sa SAF na nga­yon ay naka-confine sa Rizal Provincial Hospital.

Bineberipika pa ang ulat na ilan sa mga kasamahan ng mga biktimang SAF ay nawawala matapos ang naturang eng­kwentro. Mabilis na nagtalaga ng mga checkpoint sa lugar para mahuli ang mga suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy