Una sa Balita

4 revisor ng PET nag-resign sa Robredo, Marcos recount

By
0 2,344

Apat na head revisor na kasama sa nangangasiwa sa manual recount ng kinukuwestiyong mga boto sa pagka-Bise Presidente noong May 9, 2016 elections ang nagbitiw sa trabaho.

Ginawa nila ito sa ikalawang araw ng manual recount ng Pre­sidential Electoral Tribunal (PET) ng mga boto mula sa lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na bahagi ng protesta ni da­ting Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Wala umanong dahilan na ibinigay kaugnay ng pag-atras o pagbibitiw ng apat na head revisor na kabilang sa namumuno sa apatnapung revision committee.

Abante Hiring – IT dep

Ang head revisor ang kumakatawan sa PET sa nagaganap na manual recount.

Gayunman, tuloy-tuloy pa rin ang usad ng mano-manong bila­ngan dahil may umupo namang alternatibong head revisor.
Nagtataka naman ang kampo ni Marcos kung bakit nagbitiw ang apat na head revisor, habang ang kampo ni Rob­redo ay nababahala na baka lalo pang ma-delay ang recount ng boto.

Umaasa si Robredo na siya pa rin ang lalabas na nanalo sa vice-presidential race kapag natapos ang recount.

May hiwalay na counter-protest din ang Bise Presidente na hindi pa inaaksyunan ng PET.