Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 rebelde utas sa engkuwentro

0 48

PATAY ang apat na hinihinalang rebelde habang sugatan ang dalawang iba pa sa nangyaring engkuwentro sa mga sundalo sa Ilog, Negros Occidental nitong Martes, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na nakasagupa ng mga rebelde ang Special Action Force at military operatives sa Sitio Balik-Balik, Barangay Tabo.

“The gun battle lasted for 1 hour and 10 minutes, and resulted in the death of the four terrorists,” sinabi ni Eleazar, kung saan itinuturo nito ang report ni Special Action Force director PBrigGen. Felipe Natividad.

Ang operasyon ay isinagawa dahil na presensya ng mga rebelde na nagre-recruit umano ng mga rebelde sa lugar. Wala namang nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Kinilala naman ang isa sa mga sugatang rebelde na si Nilda Bertulano, na sinasabing South West Secretary ng grupo at may warrant of arrest sa kasong murder. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.