Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 rebelde sumuko sa gobyerno

0 67

Apat na mga umano’y dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan at nagsurender ng mga gamit na armas noong Lunes sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Lt. Colonel Alexander Aurelio, commander ng 1st Provincial Mobile Force Group, katuwang ang mga puwersa ng 91st IB sa pamumuno ni Army Lt. Col. Reandrew Rubio at mga elemento ng Bongabon at Gabaldon police stations at iba pa sa panghihikayat sa pagsuko ng mga rebelde.

Kinilala ang mga sumuko na sina Ariel Tumenez, alyas ‘Ka Dante/Smith’ na nagsuko ng isang cal. 45 rifle, isang improvised 12 gauge shotgun pistol type at isang granada; Meraljane Vigilia alyas ‘Ka Vincent’; Diane Cruz alyas ‘Ka Leslie’ na nagsuko ng isang improvised long barrel 12 gauge shotgun; at si Adrian Salcedo alyas ‘Ka Jomar’, na pawang miyembro umano ng Kilusang Larangang Gerilya Sierra Madre.

Inaasahang maipagkakaloob sa mga ito ang mga nakalaang tulong ng pamahalaan, dagdag ni Aurelio. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.