Una sa Balita

4 pusher bulagta, 4 arestado sa NE drug op

By
0 558

APAT na hinihinalang drug pusher ang napatay at apat na iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa Nueva Ecija kamakailan.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, NE police director, ang mga napatay ay nakilalang sina Felipe San Diego Malubay, residente ng Brgy. DS Garcia, Cabanatuan City; Elmer Viazon Miming, residente ng Brgy. San Nicolas, Gapan City; Dennis Serrano, resi­dente ng Sto. Domingo at si alyas Mario Reyes, resi­dente ng Brgy. San Juan ACCFA, Cabanatuan City.

Nakilala naman ang mga naarestong sina Crisanto Binuya Reyes, 38 ng Brgy. San Roque, Bongabon; Henry Alota Ugot, 51, ng Brgy. Puncan, Carranglan; Jayson Dominguez Reyes, 33 ng Brgy. Tabon, San Isidro at si Mark Anthony Machete Elvambuena, 26 ng Brgy. Mallorca, San Leonardo, pawang sa Nueva Ecija.

Nabatid na kahapon ng ala-1:40 nang madaling-araw nang ikinasa nina P/Sr. Inspector Ronan James Eblahan ng Cabanatuan City Police Drug Enforcement Unit (DEU) ang buy-bust kontra kay Malubay sa San Antonio Street, Brgy. Kapitan Pepe.

Nakunan ang napaslang ng isang caliber 38 revolver, P500 marked money at 10 sachet ng shabu.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More