Una sa Balita

4 pulis, sundalo huli sa online sabong sa Bulacan

By
0 1,168

NADAKIP ang apat na pulis at isang sundalo sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) at PNP Anti- Cyber Crime Group (ACG) dahil sa pag-o-operate ng illegal online cockfighting sa Baliwag, Bulacan.

Ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, tagapagsalita ng PNP-CITF, alas-9:45 kagabi nang maaresto ang mga ito matapos magsagawa ng law enforcement operation ang mga tauhan ng CITF at ACG sa isang restaurant sa Baliwag Bulacan.

Ang mga naarestong pulis ay kinilalang sina PO3 Nolasco Bernardo Juan, nakatalaga sa Camp Olivas; PO1 Jestoni
Gonzales Fuentebella, nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company Bulacan; PO1 Jeffrey Mateo, nakatalaga
sa Angat Municipal Police Station at PO1 Emmanuel Leonardo, na taong 2011 pa natanggal sa serbisyo.

Abante Hiring – IT dep

Habang ang sundalo ay kinilalang si Private First Class Enrique Quinaquin Jr. na miyembro ng Philippine Army.

Nadakip ang ilang sibilyan na nagsisilbi namang tagataya at operators ng illegal online cockfighting.
Sa ngayon nasa PNP-ACG ang may-ari ng online sabungan na si kinilalang si Enecito Dahan Payapaya para sumailalim
sa imbestigasyon.

Base sa rekord ng PNP-CITF, umaabot na sa 150 indibidwal ang kanilang naaresto dahil sa pagpapatakbo ng illegal o nline cockfighting.

Kinabibilangan ito ng apat na pulis, isang sundalo, anim na Local Government Official at 139 na mga sibilyan.