Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 Pulis bistado protector ng Subic shabu lab

0 258

Arestado ang apat na pulis at isang sibilyan habang nabuwag ang isang clandestine shabu laboratory kung saan nakumpiska din ang mahigit P9 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Subic Bay, Freeport sa Zambales.

Kinilala ang naarestong mga pulis na sina Police Lt. Reynato Basa Jr.; Police Cpl. Gino Dela Cruz; Police Cpl. Edesyr Victor Alipio; at Police Cpl. Godfrey Duclayan Parantela, pawang nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Subic police station.

Nadakip din ang isang sibilyan na si Jericho Dabu, na siyang delivery boy ng mga finish product na shabu sa kanilang kliyente na siyang target sa operasyon.

Nakakumpiska din sa nasabing operasyon ng isang kilo ng finish product ng shabu sa laboratory na nagkakahalagang P6.8 milyon at mahigit kumulang 300 gramo ng shabu na nabili ng poseur buyer sa buy bust na mahigt sa P2 milyon.

Samantala patuloy pang nagsasagawa ng follow up operation ang awtoridad sa pagdakip sa Canadian national na si Timothy Hartley, na siya umanong tagaluto ng iligal na droga.

Sa inisyal na ulat, isang buy bust operation ang isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Northern Luzon alas-1:00 ng madaling araw sa 336 B Sangley Loop, Finback, Wwest Kalayaan sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay PDEA NCR Director Adrian Alvariño, aksidente lang ang pagkakadiskubre sa

laboratoryo nang doon tumakbo sa nasabing bahay si Dabu kung saan doon inabutan ang apat na pulis.

Base sa itsura ng laboratory, sinabi ni Alvariño na kaya nitong gumawa ng mula 3-4 na kilo ng shabu kada araw.

Ang papel naman ng apat na pulis ay siyang protector ng shabu laboratory at katuwang din sa pagpapakalat ng iligal na droga sa mga parokyano.

Pinuri naman ni SBMA Chairman and Administrator Wilma T. Eisma ang nagsagawa sa matagumpay na operasyon kung saan katuwang din aniya ang SBMA sa pagpuksa kontra droga.

“The SBMA will always support our law enforcement agencies in ridding our society of elements that degrade our decent and lawful way of life.” (Edwin Balasa/Randy Datu/Rudy Abular)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.