Una sa Balita

4 Pinay biktima ng Cyprus serial killer

0 235

PITONG dayuhang kababaihan kabilang ang apat na Pinay ang kasama sa mga pinaslang ng tinaguriang serial killer sa Cyprus.

Nabatid na kalagitnaan ng Abril nang maligalig ang isla dahil sa serye ng pagpatay ng 35-anyos na army officer na si Nicos Metaxas.

Sa pitong napatay, apat ang Pinay na kinabibilangan ng ina at anim na taong gulang nitong anak, isang Romanian at 8-anyos na anak at isang Nepalese.

Sa ulat ng pulisya ang mga kababaihang napatay ay unang napaulat na nawawala subalit nabi­gong ma-follow up ang kaso dahilan para maipagpatuloy ng suspek ang kanyang pagpatay.

“The more the investigation advanced, the more it became clear that the police botched the searches because these were immigrant women,” pahayag ni Maria Mappouridou na nag-organisa ng mga protesta para kondenahin ang kawalang aksiyon ng mga awtoridad sa patayan.

Ang insidente ay nagtulak din sa Cyprus justice minister para magbitiw sa puwesto at iniutos ni President Nicos Anastasiades ang pagsibak sa police chief.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy