Una sa Balita

4 patay sa salpukan ng trike, van sa GenSan

0 390

PATAY ang 4 katao, kabilang ang isang buntis at bata sa naganap na salpukan ng trike at van sa Brgy. Apopong, General Santos City, kamakalawa nang hapon.

Ayon kay PO1 Joel Quilinderino ng Traffic Ma­nagement Unit ng General Santos Police Office, inaa­lam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Batay sa report, nag-overtake umano ang van sa isang motorsiklo subalit nahagip nito ang kasalubong na traysikel na patungong Polomolok, South Cotabato.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang limang sakay ng tricycle na dahilan nang pagkasawi ng apat habang kritikal naman ang isang sakay nito.

Tumakas naman ang driver ng van matapos ang insidente na kasalukuyang naka-alerto nga­yon sa pulisya at inaalam kung may nakasaksi sa aksidente upang malaman kung nakuha ang numero ng plaka nito. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy