Una sa Balita

4 patay sa Palawan diarrhea outbreak

By
0 2

Umabot na sa apat katao ang naiulat na namatay ­dahil sa diarrhea outbreak sa bayan ng Quezon sa Palawan na ngayon ay isinailalim na sa State of Emergency.

Ayon sa Local Government Unit ng Quezon, maaaring fecal coli form ang dahilan nang pagkalat ng diarrhea sa nasabing bayan. Pinakaapektado ng outbreak ay ang mga barangay na may indigenous communities na walang sapat na pinagkukunan ng malinis na tubig.

Sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, karamihan umano sa mga naapektuhan ng diarrhea outbreak ay mga mahihirap na kabataan at ilang matatanda rin.

Unang bahagi pa umano ng July nang magsimula ang nasabing outbreak kung saan nagsi­mula ito sa Bgy. Pinaglabanan at ngayon ay aabot na sa halos 700 na residente ang apektado.

Samantala, ipinatawag naman ng LGU Quezon­ ang mga may-ari ng water refilling stations sa ­buong bayan at ipinasara ang ilang walang sanitary permits.