Una sa Balita

4 patay, 200 sugatan sa 6.4 magnitude na lindol sa Taiwan

0 1,625
NIYANIG ng mala­kas na lindol ang Taiwan nitong Martes ng gabi kung saan apat na katao ang namatay, higit sa 200 ang suga­tan at marami ang nawawala lalo na sa gusaling tumagilid sa siyudad ng Hualien.
 
Hindi pa mabatid ng awtoridad kung ilang tao ang nawawala matapos ugain ng 6.4 magnitude na lindol ang popular na tourist city noong Martes.
 
Paspasan ang isinasagawang rescue sa mga naipit na residente ng Yun Tsui buildin­g dahil sa pagtagilid ng 12 palapag na gusali na mayroon ding restaurant, mga shop at hostel.
 
“I saw the first floor sink into the ground. Then it sunk and tilted further and the fourth floor became the first floor,” kuwento ni Lu Chih-son, 35, na nakasaki sa 20 kataong naligtas sa tumagilid na gusali.
 
May 143 pang residente ng nasabing gusali ang nawawala na maaaring naipit sa pag­lubog at pagtagilid ng gusali.
 
Kinumpirma naman ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Lito Banayo na isang Filipino caretaker ang nasugatan sa lindol sa Hualien.
 
Ayon kay Banayo, nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng biktima upang maipaabot na nasa ligtas na kalagayan ito.