Una sa Balita

4 pang drug deaths sa Malabon at Maynila

By ,
0 6

Apat na lalaking hinihinalang pawang mga drug pushers ang napatay habang tatlong iba pa ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Malabon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roger Bonifacio, 27-anyos, alyas Roger Ong, residente ng Banaba Alley, C.P.Garcia St., Brgy. 123, Tondo, Manila;  Renato Padando, 41-anyos, alyas Neno, at isang alyas ‘Pangit’ kapwa residente ng Sta. Mesa, Manila.

Samantala, ang mga naaresto naman ay nakilalang sina Nasser Paco, 38-anyos, at Pendatu Tulino, 28-anyos, kapwa residente ng Block 1, Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Manila, at Angel Eugenio, 38-anyos, ng 789 Endaya St., Dagupan, Tondo, Manila.

Samantala, isang pang umano’y drug dealer na si Paulo Bauzon, 20-anyos na naaktuhang ang nagbabagsak ng panindang droga ang napatay sa Malabon kamakalawa ng gabi.