Una sa Balita

4 pa nalunod sa Calabarzon at Pangasinan

By
0 1,437

NADAGDAGAN pa ng apat ang bilang ng mga nalunod sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Pangasinan kaugnay sa pagdagsa ng mga bakasyonista sa mga resort nitong Holy Week.

Sa San Juan, Batangas, bandang alas-11:30 ng tanghali ng Sabado, nang matagpuang lulutang-lutang sa baybayin ang wala nang buhay na katawan ni John Christopher Paragua Tejada na nag-outing kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang resort sa Barangay Hugom.

Samantala sa Baras, Rizal, pinilit pang isalba ng kanyang mga kasama si Arian Estabello y Llanes matapos na ito ay marescue sa ilalim ng tubig sa Palo Alto Falls, sa Brgy. Pinugay.

Abante Hiring – IT dep

Samantala, dalawang bata na may edad 4 at 10 ang kapwa nalunod sa Pangasinan.