Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 NPA todas sa engkuwentro

0 21

Nasawi ang apat na hinihinalang miyembro habang arestado ang siyam na iba pa mula umano sa New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nila at mga tropa ng pamahalaan sa Bukidnon nitong Miyerkoles, ayon sa Philippine Military.

Sa pahayag, sinabi ng 4th Infantry Division (4ID) na nagsasagawa ang 88th Infantry Battalion ng strike operations sa Barangay Mabuhay sa San Fernando bilang pagresponde sa balitang extortion activities ng mga rebelde.

Nakaengkuwentro nila ang nasa 20 hinihinalang NPA sa ilalim ng alyas ‘Migz’, na sinasabing front secretary ng Guerilla Front Malayag ng Sub Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Ang bakbakan na nagsimula alas-otso kamakalawa ng umaga ay tumagal ng isang oras, ayon sa militar.

Apat na umano’y NPA ang pumanaw habang may dalawa na naaresto.

Nasamsam din umano ng awtoridad ang ilang AK47 rifle, M16 rifle, at M203 grenade launcher.

Sa pursuit operation, pitong mga rebelde, kabilang umano ang isang 12-taong gulang na bata, ang nadakip.

Pinuri ni Major Ge­neral Romeo Brawner Jr., commander ng 4ID, ang operasyon ng mga sundalo sabay pagtiyak sa publiko na ‘hindi mananalo ang mga rebelde laban sa pamahalaan’. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.