Una sa Balita

4 nalibing sa landslide

By ,
0 10

ZAMBOANGA CITY — Patay ang apat na katao matapos silang matabunan nang buhay sa landslide na naganap sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay sa Mindanao.

Kinilala ng pulisya ang nasawing sina Jeffrey Lamparas, Sannylito Tuquib, 21; Danilo Balicoco, 53; at Adrian Ledesma, 30.

Naganap ang landslide sa Barangay Peñaranda kamakalawa ng madaling-araw.

Mahimbing umanong natutulog ang mga biktima sa kanilang kubo sa paanan ng bundok dahil sa malakas na ulan nang big­lang gumuho ang ibabaw nito at sila ay nalibing.

Tatlong iba pa na kinilalang sina Ernacio Catipay, Joel­ Longgaquit, at Joe Ledesma ang himalang nakaligtas, ayon­ sa pulisya. Nabawi naman ang mga bangkay dakong hapon.

Walang tigil ang buhos ng ulan sa Zamboanga Peninsula at nagbabala ang mga awtoridad sa mga naninirahan sa paanan ng bundok at tabing-ilog na lumikas para sa kanilang kaligtasan.