Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 nahagip ng lasing na driver

0 83

APAT na katao kabilang ang dalawang menor de edad at driver nito ang ginagamot ngayon sa ospital nang mabangga ang kanilang sinasakyan ng lasing na driver sa Imus City, Cavite nitong Biyernes.

Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang biktimang sina Jaigelyn Sarte Camerino, 38; Jessa Mae Gomez, 22, menor de edad na lalaki at babae, pawang taga-Imus City, Cavite at ang driver sinasakyang nilang Toyota Avanza [NCB 2774] na si Marlon Carmona Rossel, 45, dahil sa tinamong sugat sa ulo at katawan. Kinilala naman ang driver ng Isuzu Sportivo [NIW 895] na si Roland Male Gacrama Rubia, 26, ng Kawit, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt John Carlo Punzalan, ng Imus City Police Station, alas-2:00 kamakalawa ng umaga minamaneho ni Rossel ang Avanza sakay ang apat nitong pasahero nang pagsapit sa Brgy Anabu 2-C, Imus City Cavite ay masagi ng sasakyan ni Rubia, na ayon sa imbestigador ay nakainom habang nagmamaneho. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.