Una sa Balita

4 naghati sa titulo ng 2019 BNTV Cup

0 445

MATAPOS mapawi ang ulap ng alikabok, apat na kalahok ang nanatiling matatag hanggang sa huli upang magtapos na may tig-9 na panalo at maghari sa labanan ng halos 1,800 entries upang pagsaluhan ang kampeonato ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby matapos ang grand finals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakarang Lunes, ika-9 ng Setyembre.

Handog nina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa na may buong suporta ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang early-bird concept ng BNTV Cup ay ginamit na din ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) at ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (PFGB-Digmaan).

Nagtapos na may perpektong iskor na 9 na puntos ang mga lahok na Boss Boyet Sept. 21 3stag/Cock Bday Ulutan (Boyet Samson), Gold Cup (Anthony Pineda & Rey Briones), JEBL GF (Banjo & Jokie) at Optimus GF (Neil Camello / Daniel Delos Reyes).

Runner-up naman sa iskor na 8.5 puntos sina N&N (Jeric Uy) at Sapot (Leonardo Manalo / Napo Sahagun).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy