Una sa Balita

4 na sundalo nadale ng bomba

By
0 106

ZAMBOANGA CITY – Apat na sundalo ng militar ang sugatan matapos na sumabog kahapon ang isang bomba na itinanim sa isang kalsada sa bayan ng Datu Unsay sa magulong lalawigan ng Maguindanao.

Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng atake ngunit ang nasabing ba­yan ay lugar ng Ampatuan clan na sabit diumano sa Maguindanao massacre noong 2009 na ikinamatay ng 58 katao, kabilang ang mahigit sa 30 mamamahayag.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatan at ilang sundalo rin ang sinasabing nasaktan.

Walang umako sa pambobomba, ngunit inaasahang ibibintang ng 6th Infantry Division ang atake sa mga rebelde.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy