Una sa Balita

4 na pilgrim todas sa Saudi Arabia

0 313

HINDI kinaya ng apat na Pilipinong kasama sa Hajj sa Mecca, Saudi Arabia ang matinding init ng panahon matapos bawian sila ng buhay dahil sa atake sa puso.

May edad 57 pataas ang mga nasawi na inatake sa puso dahil sa matinding init ng panahon sa Saudi Arabia na umaabot sa 48 degrees Celcius.

Agad namang nailibing ang apat na nasawi. Kasama sila sa 7,200 Pinoy pilgrim na dumating sa Mecca para sa taunang Hajj.

Pinapayuhan ang mga Pinoy sa Saudi Arabia na huwag magbabad sa init kung wala namang gagawin sa labas.

Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General sa Jeddah na handang tumulong ang konsulada sa mga nangangailangan ng tulong sa Hajj kahit na may nakaantabay nang medical team sa lugar.

Dinadagsa ang Mecca ng milyon-milyong Muslim mula sa iba’t-ibang bansa dahil sa pag-uumpisa ng hajj sa Agosto 8.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy