Una sa Balita

4 na paslit tinuhog ni lolo

By
0 116

Kalaboso ang isang 73-anyos na lolo makaraang ireklamo ng panggagahasa sa apat na batang babae na sinusuhulan umano niya ng ice candy at instant noodles saka minomolestya sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Pulong-Buhangin sa Sta.Maria, Bulacan.

Ayon sa report ni P/Supt. Raniel M. Valones, chief of police ng Sta. Maria police, nakapiit sa kanilang himpilan ang suspek na nakilalang si Julian Bilangel Jr.,73 at nahaharap sa patong-patong na kasong rape.

Hindi na pumalag ang lolo nang arestuhin ng mga pulis dahil reklamo ng apat na menor-de-edad na nasa pito hanggang dose anyos lamang. Isasailalim sa genital examination ang apat na paslit upang malaman kung nahalay nga ang mga ito.

Sa imbestigasyon ng Sta. Maria police station, nagsimula umano ang pangmomolestya ng suspek sa apat na biktima noong Nobyembre 2016.

Inaalok umano ng suspek na lolo ng ice candy, instant noodles at iba pang pagkain ang apat na paslit para makuha ang loob bago isinasagawa ang maitim na balak sa mga biktima.

Kwento ng mga paslit, hinihipuan sa maseselang bahagi ng katawan at hinahalikan umano sila ng suspek na lolo.

Dumarating din umano sa pagkakataon na sinasaktan ang mga paslit kapag pumalag sila sa ginagawa ng suspek.

Nitong mga nakaraang araw lamang napansin ng mga magulang ng apat na paslit ang kakaibang ginagawa ng matandang suspek sa kanilang mga anak.

Itinanggi ng suspek ang paratang sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy