Una sa Balita

4 na nagpakalat ng fake news sa virus kinasuhan ng PNP

By
0 599

Sinampahan na ng kaso ng Philippine National Police (PNP) ang apat na suspek na nagpapakalat ng fake news tungkol na may kinalaman sa coronavirus disease 2019 (Covid -19).

Kinilala ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) ang mga suspek na sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis at Mae Ann Pino na pawang residente ng Lapu-Lapu City at Maria Diane Serrano na residente ng Laguna. Sina Menguito, Solis at Pino ay nagkalat umano ng mali at hindi beripikadong impormasyon tungkol sa COVID outbreak sa Cebu, habang si Serrano naman ay nagkalat ng pekeng ulat tungkol sa isang umano’y virus ositive na pasyente na namatay sa Global Medical Center sa Cabuyao, Laguna.

Nahaharap ang mga suspek sa Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code at Section 6 ng Republic Act No. 10175 o mas kilala sa Anti-Cybercrime Law.

Binigyang diin ni PNP Spokesperson Police Brig General Bernard Banac na seryoso ang PNP sa paghahabol sa mga nagkakalat ng maling impormasyon partikular sa panahon na umiiral ang isang nationa health emergency.

Apela ni Banac sa publiko na maging mas mapanuri sa balita tungkol sa Covid 19 na ipinapasa sa pamamagitan ng social media upang maiwasan na magdulot ng pangamba at takot sa mga mamayan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More