Una sa Balita

4 na lalaki timbog sa mahjong sa loob ng bahay

By
0 209

NALAMBAT ang apat na lalaki habang nagla­laro ng mahjong sa loob ng bahay kamakalawa nang gabi sa Pasig City.

Ayon sa report, hinuli ang apat katao na sina Waldo Mortel, Macario Manlapid, Ronald Santos, at Ponciano Tiongson, pawang mga nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.

Ayon sa mga biktima, nasa loob lang sila ng bahay sa F. Andres St., Rosario bandang alas-otso kamakalawa nang gabi nang biglang pumasok ang mga pulis at agad na silang hinuli habang nagma-mahjong.

“Kapag may tawag silang natanggap na may nagaganap na sugal ay agad nilang hinuhuli kahit nasa loob pa ng bahay at ang apat na nagma-mahjong ay nasa loob nga ng bahay pero kita naman sa labas kaya hinuli dahil bawal talaga ang sugal,” paliwanag naman ni Insp. Roberto Garcia, hepe ng Investigation division ng Pasig police.

Giit naman ni Tiongson, simpleng katuwaan lang naman ang ginagawa nila.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawan­g dice, isang mahjong set at P1,700 pustang pera.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling act.