Una sa Balita

4 na drug syndicate sa CAR minamanmanan

By
0 451

APAT na drug syndicate ang minamanmanan nga­yon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA-Cor) dahil sa pagbebenta at distribusyon ng shabu sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay PDEA-Cor regional director Edgar Apalla, ang mga illegal drug group ay aktibong gu­magalaw ngayon sa Kalinga, Baguio City at Abra.

Samantala, sinabi ni Apalla na wala naman silang na-monitor na sindikato sa mga bayan ng Apayao, Ifugao, at Mountain Province.

Ayon sa opisyal, mayroong 159 drug personality ang nasa monitoring status sa nasabing rehiyon.

Aniya, ang shabu at marijuana ang karamihan na ibenebenta ng mga sindikato sa CAR pero ayon kay Apalla, marijuana ang mas malakas ibenta.

Ayon sa kanilang datos, karamihan sa kanilang naaresto sa mga nakaraang buwan ay mga shabu related case.

Sa meeting ng PDEA-Cor, Regional Development Council (RDC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) natumbok na ang marijuana hashish at marijuana oil ay ginagawa sa liblib na lugar sa isang barangay sa Tinglayan, Kalinga at ginagawang brick type na ibinebenta sa labas ng rehiyon.

Sa kanilang intelligence report, ang shabu na nanggagaling sa CAR ay nagmumula sa National Capital Region (NCR) at Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON).

Ang marijuana na nanggagaling din sa ilang lugar ng Kalinga at tagong lugar ng Kibungan, Benguet ay ibinababa at ibinebenta sa Luzon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy