Una sa Balita

4 na bagaheng pagong naharang sa NAIA

By
0 629

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang may 1,532 live turtle matapos itong tangkaing ipuslit papasok ng bansa kamakalawa nang gabi mula sa Hong Kong.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang mga pagong ay nakalagay sa apat na bagahe at ito ay inabandona ng may-ari sa baggage ca­rousel sa loob ng arrival Customs area.

“Maybe the passenger was informed about the illegal shipment and when examined the four luggage contains some 1,500 pieces of live turtles and they were all dock taped,” ani Talusan.

Ang mga pagong ay dala ng isang pasaherong Pinoy lulan ng Philippine Airlines flight PR 311 mula sa Hong Hong.
Nabatid na ang 1,532 live turtle na kinabibilangan ng Star Tortoise, Redfoot Tortoise, Sulcata Tortoise, Red-eared Slider ay nasa loob ng iniwang bagahe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy