Una sa Balita

4 motorcycle rider sinuyod ng truck sa Tarlac, patay

0 452

PATAY ang apat na motorcycle rider habang suga­tan din ang apat na iba pa nang salpukin sila ng isang wing van truck matapos makatulog umano ang drayber nito Huwebes Santo nang tanghali sa bayan ng Paniqui, Tarlac.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Marlou Mendoza, Ronnel Hernandez, angkas nitong 16-anyos na binatilyo at isang Annabelle Santos.

Sugatan din ang apat na iba pa na sina Love­rich dela Cruz, Analizabeth Hipolito, Ernard Fresnido, at Raquel Buama, pawang mga residente ng Macabebe, Pampanga.

Samantala nasa kustodiya na ng Paniqui Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si Andres Bobis, drayber ng wing van truck na sumu­yod sa mga motorsiklo ng mga biktima.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-12:00 nang tanghali noong Huwebes Santo sa kahabaan ng Mac Arthur highway sakop ng Brgy. San Isidro ng nabatid na bayan.

Patungo sana ang mga biktima na pawang mga motorcycle rider sa Manaoag, Pangasinan upang mag-Visita Iglesia subalit hindi na sila nakarating sa pupuntahan dahil sa aksidente.

Samantala, aminado naman ang suspek na si Bobis na nakaidlip siya habang nagmamaneho dahilan upang maganap ang aksidente. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy