Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 most wanted nalambat

0 94

Kalaboso ang apat na wanted sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cavite.

Kapwa nasa rank no. 1 municipal level sina Armano Domingo, 48, ng Brgy. Luzviminda 1 Dasmariñas City at Andrew Adora, 19, isang massage therapist ng Brgy. Bulihan, Silang.

Inaresto si Domingo sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder alas-11:25 Huwebes ng umaga sa Sitio Talisayan, Brgy. Sapaloc IV, habang alas-5:20 kamakalawa ng hapon ng arestuhin si Adora sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite dahil sa kasong paglabag sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa rank no. 3 municipal level naman si Joel Jan, 40 ng Brgy. Alulod, Indang na naaresto alas-2:25 kamakalawa ng hapon sa Brgy. Alulod dahil sa kasong attempted kidnapping.

Habang rank 10 city level naman sa most wanted si Victoriano Aquino, 63, na naaresto alas-3:45 kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alulod, Indang dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.