Una sa Balita

4 miyembro ng Martilyo Gang sa Cebu todas

0 340

PATAY ang apat na holdaper na kasama umano sa Mar­tilyo Gang na nanlimas ng alahas sa ilang stall sa JCenter Mall sa Mandaue City, Cebu Sabado nang gabi.

Dakong alas-otso nang gabi nang salakayin ng tinatayang 15 lalaki ang nasabing mall at gamit ang martilyo ay binasag ang salamin ng naka-display na alahas. Sugatan sa insidente ang isa sa guwardiya ng mall nang pukpukin ng baril ng isa sa mga suspek.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya para mahuli ang mga suspek. At natunton ang siyam sa Polambato Port sa Bogo City.

Nakatakda nang dalhin sa presinto ang mga suspek pero habang nasa biyahe, tatlo umano sa kanila ang nag-agaw ng baril sa mga police escort na napilitan namang barilin ang mga ito.

Kinilala ang mga ito na sina Kevin Andales, 25-anyos; Wilfredo Enguito, 47; at Philip Taborada. Patay rin si Glen Tairos, na tinuturing na lider ng grupo, sa isa pang impormasyon.

Habang ang mga naaresto ay sina Roel Sumi­ngit, 35, ng Tangub City; Jun Candelaria, 38; Julivy Quirante, 43; Arnel Cimafranca, 38, at isang wala pang pagkakakilanlan.

Nakakuha sa kanila ng pera at dalawang baril, gayunman posible umano na ang mga nanakaw na alahas ay dala ng iba pang suspek na patuloy pang tinutugis ng pulisya.

Sa huling ulat, P130 milyon umano ang nanakaw na halaga ng mga alahas habang P6 mil­yon ang pera. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy