Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 miyembro ng Abu Sayyaf sumuko

0 16

SUMUKO ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa mga sundalo na nakaistasyon sa Barangay Samak sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga sumuko na sina Rehim Jawhari, Daha Jawhari at Totoh Jawhari, lahat ay pawang mga residente ng Barangay Buhanginan at si Marjuli Julmorie, ng Barangay Kagay sa Indanan.

Isinuko rin nila ang mga armas na garand rifles at M16 rifle.

Sasailalim ang mga ito ng custodial debriefing at medical check-up at saka tatanggap ng initial cash at rice assistance. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.