Una sa Balita

4 marino nCoV positive sa Japan ship

0 330

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo na apat pang Pilipinong sakay ng Diamond Princess Cruise Ship ang nagpositibo sa 2019 Novel Coronavirus-Acute Respiratory Disease.

Ayon sa DFA nasa limang Pinoy na sakay ng natu­rang barko ang kumpirmadong may nCov-ARD at kasalukuyan ginagamot ngayon sa mga ospital sa Japan.

Ang apat na Pinoy seafarer ay kabilang sa anim na bagong kumpirmadong kaso ng nCoV magmula nang dumaong ang Diamond Princess sa Port of Yokohama sa Japan noong Pebrero 4.

Mahigpit namang nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa mga kinauukulan sa Japan at patuloy rin ang komunikasyon ng pamahalaan sa iba pang Pinoy na sakay ng crusie ship para sa kakaila­nganing tulong.

Tiniyak naman ng DFA na nanatiling naka-quaran­tine ang mga ito na isinagawa ng Japanese government kasama na ang libo-libo pang mga pasahero.
Nabatid na nasa 538 ang bilang na mga Pinoy ang nakasakay sa nasabing barko.

Naisailalim na rin sa quarantine ang naturang­ barko matapos matuklasan na isang pasahero ang nagpositibo sa 2019 nCov galing Hong Kong. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More