Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

4 magpipinsan nilamon ng baha

0 153

Nalunod ang apat na magpipinsan sa Biñan City, Laguna na halos dalawang linggo nang binabaha.

Lunes ng gabi nang magkakahiwalay na matagpuan ang mga bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Josephine Incomio, 15; nakababata nitong kapatid na si Marycris, 13; magtiyuhin na sina Mark Anthony Atienza, 22, at pamangkin nitong si Jasmin Baguio, 6, pawang residente ng Dimaranan Subd sa Brgy. De La Paz.

Ayon sa report ng pulisya, inutusan umano ng knyang nanay si Atienza na dalhan ng damit ang kanyang tatay na noon ay nasa lawa. Subalit lingid sa kaalaman ng mga magulang, isinama ni Atienza ang tatlo.

Nang hindi na makabalik ang apat, agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad at iba pang mga volunteer rescue group. Umabot hanggang sa lagpas hatinggabi ang paghahanap hanggang sa isa-isang nakita ang mga wala nang buhay na biktima.

Itinaggi naman ng mga kaanak na may kinalaman sa paghahatid ng module sa eskwelahan ang insidente na unang nabanggit sa ibang ulat.

Sasagutin naman ng pamahalaang lokal ng Biñan ang pagpapalibing sa mga biktima. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.